Nasa 521 ordinance violators ang naaresto ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang 273 anti-criminality operations sa buong lalawigan ng Cebu noong Hulyo 31, 2026.
Sa kabuuang bilang, 362 ang pinagmulta habang 159 ang binigyan ng babala at pinalaya matapos ang kaukulang dokumentasyon. Umabot naman sa Php119,850.00 ang nakolektang multa mula sa iba’t ibang paglabag sa mga lokal na ordinansa.
Ayon kay PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., Provincial Director ng CPPO, mahalaga ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at disiplina sa mga komunidad sa buong lalawigan.
Samantala, tiniyak ng CPPO na magpapatuloy ang kanilang pinaigting na anti-criminality operations at mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



