Culmination Activity ng ika-31 PCR Month Celebration, isinagawa ng Davao City PNP

0
23

Isinagawa ng Davao City Police Office sa pangunguna ni Police Colonel Peter B Madria,

City Director, ang ika-31 Police Community Relations (PCR) Month Culmination Activity na ginanap noong Hulyo 31, 2026 sa Sandigan Hall, Ground Floor ng Davao City Police Office Main Building.

Bitbit ang temang “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan, Tapat, Maaasahan at Nararamdaman ng Bayan,” ang aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal, partner stakeholders, at iba pang panauhin bilang pagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng pulisya at komunidad sa pagsusulong ng mas matatag na ugnayan at tiwala ng mamamayan sa kapulisan.

Binigyang-diin ni PCol Madria na ang pagdiriwang ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng pulisya sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng transparency, accountability, at tapat na serbisyo. Aniya, sa tulong ng mga katuwang na ahensya at stakeholders, patuloy na isinusulong ng kapulisan ang isang ligtas, mapayapa, at maunlad na Lungsod ng Davao na naka-angkla sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa “Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Davao City Police Office

Leave a Reply