TOPCOP Seminar sa Isabela, matagumpay na nagtapos

0
19

Matagumpay na nagtapos ang Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) Seminar noong Hulyo 31, 2026 sa Isabela Museum and Library, City of Ilagan, Isabela, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga Tourist Police sa pagbibigay ng mahusay na serbisyo at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.

Pinangunahan ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 2 (PRO2), ang Closing Ceremony, kung saan binati niya ang mga nagsipagtapos at binigyang-diin na ang tungkulin ng isang Tourist Police ay hindi lamang nakatuon sa pagtulong sa mga turista kundi higit sa lahat ay sa pagpapatupad ng batas, pag-iwas at pagsugpo sa krimen, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at koordinasyon sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Sa kanyang mensahe, hinikayat din ni PBGen Rodriguez ang mga kalahok na isabuhay at gamitin ang mga kaalaman at kasanayang kanilang natutunan sa seminar upang higit pang mapaigting ang kaligtasan ng mga turista at mapanatili ang Region 2 bilang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang destinasyon para sa mga lokal at dayuhang bumibisita.

Layunin ng TOPCOP Seminar na higit pang mapaunlad ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga Tourist Police Personnel sa pagbibigay ng propesyonal, maagap, at people-centered na serbisyo, habang pinalalakas ang police-community partnership at ang suporta sa patuloy na pag-unlad ng turismo, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply