Nakapagtala ang National Capital Region Police Office ng tinatayang nasa 7,757 local ordinance violators sa ipinatupad na anti-criminality operations sa ilalim ng Safer Cities Initiative sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nito lamang Hulyo 28, 2026.
Pokus sa operasyon ang striktong pagpapatupad sa iba’t ibang mga lokal na ordinansa, partikular na ang pag-iinom at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, curfew violation, pagvi-videoke ng lagpas sa itinalagang oras at iba pang mga lokal na ordinansa.
Ipinapakita sa nasabing mga operasyon ang dedikasyon ng buong puwersa ng NCRPO upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, maging ang disiplina na nakaangkla sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: National Capital Region Police Office



