PRO3, kinilala ang 364 bagong promote na PNP Personnel sa Oath-Taking at Pinning of Ranks

0
27

Kinilala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang 364 na bagong promote na tauhan sa isinagawang Simultaneous Oath-Taking, Donning, and Pinning of Ranks Ceremony noong Hulyo 29, 2026 sa Makatao Center, Camp Captain Julian Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3, ang seremonya kung saan pormal na nanumpa at tinanggap ng 192 Police Commissioned Officers (PCOs) at 172 Police Non-Commissioned Officers (PNCOs), kabilang ang mga tauhan ng Regional Support Units (RSUs), ang kanilang bagong ranggo.

Binigyang-pugay sa naturang programa ang dedikasyon, sipag, at katapatan ng mga bagong promote na PNP personnel sa kanilang paglilingkod. Kasabay nito, muling ipinaalala ang kanilang pananagutan na patuloy na isabuhay ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo, integridad, at kahusayan sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas.

Muling pinagtitibay ng Philippine National Police ang patuloy nitong pagpapaunlad sa hanay ng kapulisan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga karapat-dapat na tauhan at pagpapalakas ng kanilang kakayahang maghatid ng de-kalidad na serbisyo publiko, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 3

Leave a Reply