Rank 5 Regional Most Wanted Person sa kasong qualified rape, arestado sa Bauang, La Union

0
23

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Bauang Municipal Police Station (MPS), sa pakikipagtulungan ng La Union Provincial Intelligence and Detection Management Unit (LUPIDMU), ang isang Top 5 Regional Most Wanted Person bandang alas-11:40 ng umaga noong Hulyo 28, 2026 sa Barangay Taberna, Bauang, La Union.

Kinilala ang naaresto sa alyas na “Hapon,” 45 taong gulang, may asawa, drayber, at residente ng nasabing barangay. Inaresto ito sa bisa ng isang Warrant of Arrest kaugnay ng tatlong bilang ng kasong qualified rape.

Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang akusado sa kustodiya ng Bauang MPS upang sumailalim sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa kinauukulang hukuman.

Patuloy na pinaiigting ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang kampanya laban sa mga wanted na personalidad sa pamamagitan ng mas pinaigting na intelligence at law enforcement operations. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na mapanagot ang mga lumalabag sa batas, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, at maisulong ang adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Bauang MPS

Leave a Reply