SONA 2026, generally peaceful – QCPD

0
31

Generally peaceful ang katatapos lamang na ika-5th na State of the Nation address (SONA) 2026 ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., ayon sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng liderato ni Police Brigadier General Randy Glenn. Silvio, District Director batay sa official statement na inilabas nito lamang Hulyo 28, 2026 sa Camp Karingal, Quezon City.

Nakapagtala ang QCPD ng insidente ng vandalism, kung saan 51 indibidwal ang dinala sa kustodiya ng pulisya. Sa bilang na ito, siyam (9) na indibidwal ang sumailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa mga umiiral na batas. Tatlumpu (30) naman ang nananatiling nasa ilalim ng imbestigasyon upang matukoy ang kani-kanilang partisipasyon sa insidente, habang labindalawang (12) menor de edad na lalaki ang isinailalim sa pangangalaga ng mga kinauukulang social worker para sa kaukulang pagsusuri at nararapat na interbensyon, alinsunod sa umiiral na mga batas at pamamaraan.

Tinatayang nasa 7,000 indibidwal ang lumahok sa iba’t ibang pampublikong pagtitipon at mga aktibidad ng protesta kaugnay ng SONA.

Upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko, mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, at matiyak ang maayos na pagdaraos ng taunang talumpati ng Pangulo, estratehikong idineploy ang sapat na bilang ng mga pulis—kabilang ang mga karagdagang puwersa mula sa iba’t ibang yunit ng Philippine National Police kasama ang mga force multiplier at mga katuwang na ahensya sa loob at paligid ng Batasang Pambansa Complex, Commonwealth Avenue, at iba pang mahahalagang lugar.

“The success of our peace and order operations is a testament to the unified efforts of all government agencies, security units, local government officials, and stakeholders who worked together toward a common objective. Under the guidance of our Chief, Philippine National Police, Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP and the leadership of Police Major General Anthony Aberin, Regional Director of the National Capital Region Police Office, our security coverage for SONA 2026 was carried out efficiently, safely, and effectively,” saad ni PBGen Silvio.

Source: Quezon City Police District

Leave a Reply