RHQ personnel ng PRO 13, sumailalim sa Regular Drug Test

0
51

Sumailalim sa regular drug test ang mga tauhan ng Regional Headquarters personnel ng Police Regional Office 13 at nanguna si Police Brigadier General Marcial Mariano P. Magistrado IV, Regional Director, bilang patunay ng PNP sa integridad, pananagutan, at transparency sa Camp Col. Rafael C. Rodriguez, Libertad, Butuan City nito lamang Hulyo 21, 2026.

Nakiisa rin sina PRO 13 Command Group, RHQ personnel at Non-Uniformed Personnel (NUP) upang ipakita ang suporta sa programa ng Philippine National Police para sa internal cleansing at titiyakin na paiigtingin pa ang mga hakbang upang mapanatiling malinis ang hanay ng kapulisan mula sa mga tiwaling pulis at may angkop na kaparusahan ang sinuman na magpopositibo sa naturang drug test kaugnay sa internal cleansing sa ilalim ng integrity monitoring program, na isa sa mga pangunahing prayoridad sa ilalim ng PNP Focused Agenda ni Police General Jose Melencio Nartatez Jr., Chief, PNP.

“With this simultaneous drug testing, we are sending a strong message that there is no place in the organization for scalawags or police officers involved in illegal drugs. Personnel found to have violated PNP policies and existing laws will face the appropriate administrative and criminal sanctions,” ani ni RD Magistrado IV.

Tiniyak din ng RD Magistrado IV sa publiko na ipagpapatuloy ang mga ganitong hakbang sa buong police station sa PRO 13 bilang suporta sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: Police Regional Office 13

Leave a Reply