Nakahanda na ang Cebu City Police Office (CCPO) ng mas mahigpit na seguridad para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27, 2026.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Franco Rodulf Oriol, Officer-in-Charge ng CCPO, dalawang platoon ng Civil Disturbance Management personnel ang naka-standby at i-de-deploy batay sa intelligence assessment. Inaasahan din ang mga mapayapang kilos-protesta sa lungsod.
Papayagan ng pulisya ang mga demonstrador na magsagawa ng kanilang aktibidad habang titiyakin ang kaayusan, seguridad, at maayos na daloy ng trapiko, kabilang ang malayang pagdaan ng mga emergency vehicle.
Tiniyak ng CCPO na paiiralin ang maximum tolerance sa paghawak ng mga protesta at sinabi ring wala silang natatanggap na anumang banta kaugnay ng SONA. Ito ay bahagi ng adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez



