Php258K halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa Bacolod City

0
40

Nakumpiska ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php258,400 mula sa isang street-level individual sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Langis, Barangay Banago, Bacolod City, noong Hulyo 21, 2026.

Sa pangunguna ng Police Station 3 ng Bacolod City Police Office (BCPO), katuwang ang City Intelligence Unit (CIU), matagumpay na nadakip ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Toto.” Nasamsam mula sa kanya ang humigit-kumulang 38 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php258,400.00, bukod pa sa buy-bust money at iba pang non-drug items.

Ang operasyong ito ay patunay na ang maagap na pagkalap ng impormasyon, masusing imbestigasyon, at aktibong pakikiisa ng mamamayan ay nananatiling mahalagang sandigan sa pagsugpo sa kriminalidad.

 Higit pa sa pag-aresto sa isang suspek, layunin ng Philippine National Police (PNP) na putulin ang daloy ng ilegal na droga sa mga komunidad at maprotektahan ang kabataan at bawat pamilyang Pilipino laban sa masasamang epekto nito.

Ang matagumpay na operasyon ay kaakibat ng layunin ng SAFE NIR Program ng Police Regional Office – Negros Island Region (PRO-NIR), na nakatuon sa pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng intelligence-driven operations, pinaigting na police visibility, at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Muling ipinapaalala ng Philippine National Police na ang laban kontra ilegal na droga ay isang sama-samang responsibilidad.

Alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” hinikayat ng PRO-NIR ang publiko na patuloy na makiisa sa pagbibigay ng impormasyon upang mapanatiling ligtas, mapayapa, at maunlad ang bawat pamayanan.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply