Php3.4M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat ng PRO BAR; lalaki, arestado

0
21

Nasabat ang nasa Php3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region nito lamang Martes, Hunyo 22, 2026 sa Barangay Lalabuan, Balindong (Wato), Lanao del Sur.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abecia, Regional Director ng PRO BAR, naaktuhan ang suspek na nagbebenta ng limang knot-tied transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng Php500,000 sa isang undercover na pulis at kasama nitong informant.

Nabatid na narekober sa naturang operasyon mula sa suspek na si alyas “Khalid” ang nasa kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3.4 milyon, isang green eco bag, isang transparent plastic bag, dalawang fired cartridge, at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Special Operations Group ng Lanao del Sur Police Provincial Office, Balindong Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion 14A–1403rd Regional Mobile Force Company, Marantao MPS, Lanao del Sur Provincial Intelligence Unit at 1st Lanao del Sur Provincial Mobile Force Company.

 “Ang ilegal na droga ay sumisira sa kinabukasan ng ating mga pamilya at komunidad. Kaya’t pinupuri ko ang ating mga operating units sa kanilang katapangan at dedikasyon sa matagumpay na operasyong ito. Magpapatuloy ang PRO BAR sa walang humpay na pagpapatupad ng batas upang matiyak na walang puwang ang ilegal na droga sa Bangsamoro,” saad ni RD Abecia.

Source: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region

Leave a Reply