QCPD, nagsagawa ng CDM Rehearsals kaugnay ng SONA 2026

0
48

Nagsagawa ang pamunuan ng Quezon City Police District sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Randy Glenn Silvio, District Director ng Civil Disturbance Management (CDM), ng rehearsals bilang paghahanda sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) 2026 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nito lamang umaga ng Hulyo 22, 2026, sa QCPD Grandstand, Camp Karingal, Quezon City.

Nakatuon ang aktibidad sa pagpapatibay ng kahandaan sa operasyon, koordinasyon, at kakayahan sa pagtugon ng mga tauhan ng QCPD sa pamamahala ng mga pampublikong pagtitipon, gayundin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng SONA.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa PNP Focused Agenda ng Chief, PNP, PGen Jose Melencio C Nartatez Jr, na naglalayong palakasin ang kakayahan ng kapulisan sa pagtugon sa mga malalaking pagtitipon at iba pang mahahalagang kaganapan, kasabay ng pagpapatibay ng tiwala ng publiko sa hanay ng kapulisan na angkop sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Quezon City Police District

Leave a Reply