Umarangkada ang Project H.E.A.R.T. (Honesty, Empowerment, Accountability, Respect, and Teamwork) ng pamunuan ng Regional Mobile Force Battalion 11 sa Salvacion Elementary School, Salvacion, Davao de Oro nito lamang Hulyo 21, 2026.
Ang aktibidad ay naging posible dahil sa pagsisikap ni Police Captain Gerald A. Lopez, Officer-in-Charge, 1101st Maneuver Company, RMFB 11, na nagsagawa ng Anti-Bullying lecture at nagturo sa mga mag-aaral sa pagbabasa.
Sa nasabing talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang sa kapwa, pananagutan sa sariling kilos, at pagtutulungan upang mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at inklusibong kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat ng mag-aaral.
Patuloy na isinusulong ng 1101st Maneuver Company, RMFB 11, ang mga programang nagbibigay ng positibong epekto sa komunidad, lalo na sa sektor ng edukasyon, bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa paghubog ng responsableng mamamayan at sa pagpapaigting ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng pamayanan na napapaloob sa mantra ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



