Mabilis na pagresponde ng BCPO Police Station 7, Residente nabigyan ng paunang lunas

0
317

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Police Station 7 ng Baguio City Police Office sa isang emergency sa Kayang-Hilltop, Baguio City noong Hulyo 16, 2026, matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen sa Fixed Visibility Point 1.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis upang tulungan ang isang lalaking residente na aksidenteng nahulog mula sa kanyang kama, patunay ng maagap na pagtugon ng kapulisan sa oras ng pangangailangan.

Pagdating sa lugar, kaagad na nagbigay ng kinakailangang paunang lunas ang mga rumespondeng pulis habang nakipag-ugnayan sa medical team upang matiyak na mabibigyan ng agarang medikal na atensyon ang biktima. Kalaunan ay ligtas na na-turn over ang pasyente sa mga personnel ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa karagdagang pagsusuri at nararapat na pangangalaga.

Ipinakita ng mabilis at maayos na koordinasyon ng Police Station 7 at ng CDRRMO ang kahalagahan ng maagap na pagtugon sa mga emergency nang may malasakit at propesyonalismo upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mga mamamayan.

Patuloy na nananatiling handa ang Police Station 7 sa pagbibigay ng agarang tulong at mabilis na responde sa anumang insidente, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong tiyakin ang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan para sa lahat.

Source: BCPO Station 7

Leave a Reply