NOrPPO, nakiisa sa pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng apektado ng Bulkang Kanlaon

0
58

Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) sa pangunguna ni PCol Timmar J. Alam, Provincial Director, sa pamamahagi ng mga relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkan sa Canlaon City, Negros Oriental noong Hulyo 11, 2026.

Pinangunahan naman ni PMaj Elpidio R. Tago-an Jr., Acting Chief, Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), kasama ang mga tauhan ng Provincial Headquarters ng NOrPPO, ang pagtulong sa distribusyon ng mga ayuda mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, mga boluntaryo, at mga katuwang na organisasyon, matagumpay na naihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang pansamantalang naapektuhan ng kalamidad.

 Ang gawaing ito ay sumasalamin sa matatag na diwa ng bayanihan, isang pagkakaisang nagbibigay-lakas sa bawat Pilipino upang muling makabangon.

Higit pa sa pamamahagi ng mga relief goods, ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng layunin ng Philippine National Police na maging tunay na katuwang ng komunidad sa bawat hamon at sakuna.

Isinasabuhay ng NOrPPO ang mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” isang serbisyong hindi lamang nakikita, kundi tunay na nadarama ng bawat mamamayan.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PNP Negros Oriental Police Provincial Office

Leave a Reply