BCPO-Police Station 7, agad na rumesponde sa motoristang na-flat tire sa Baguio

0
118

Muling ipinamalas ng Police Station 7 sa Baguio City ang maagap at malasakit na serbisyo nang agarang rumesponde ang mga pulis sa isang motoristang humingi ng tulong matapos ma-flat tire ang gulong ng kanyang sasakyan noong Hulyo 10, 2026. Habang nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya, nakatanggap ang mga kapulisan ng tawag mula sa Smart City Command Center na humihiling ng agarang asistensya.

Kaagad na nagtungo ang mga rumespondeng pulis sa Governor Pack Road, Baguio City, kung saan tinulungan nila ang motorista sa pagpapalit ng deflated na gulong. Dahil sa mabilis na pagtugon ng mga awtoridad, ligtas na naipagpatuloy ng motorista ang kanyang paglalakbay, na nagpapakita ng kahandaan ng PNP na tumugon hindi lamang sa mga insidente ng krimen kundi maging sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang tulong sa lansangan.

Patuloy na isinusulong ng Baguio City Police Office – Police Station 7 ang serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng maagap na pagresponde at aktibong pagpapatrolya sa komunidad bilang bahagi ng adbokasiya ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: BCPO Statio 7

Leave a Reply