2nd PMFC at partner agencies, nagkaisa sa Tree Planting Activity sa San Quintin, Pangasinan

0
135

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC), sa pangunguna ni PMSg Jhon Romar Lucas at sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Richard Q. Agrade, noong Hulyo 5, 2026 sa Sitio Wawa, Brgy. Nangapugan, San Quintin, Pangasinan.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang 7th Infantry Division, Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Mayor’s Office, at mga opisyal ng Barangay Nangapugan bilang pagpapakita ng pagkakaisa para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaigting ng ugnayan sa komunidad.

Isinagawa ang programa sa temang “Planting Trees, Growing Peace and Sustainable Communities,” na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kapaligiran habang pinatatatag ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng mamamayan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng mga puno, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang malasakit sa kalikasan at ang kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng isang ligtas, luntian, at mas matatag na pamayanan. Higit pa rito, pinagtibay ng aktibidad ang diwa ng Police Community Relations, kung saan ang kooperasyon ng komunidad at mga law enforcement agencies ay nagsisilbing pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Ang aktibidad ay sumasalamin sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na patuloy na nagsusulong ng serbisyong may malasakit, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pangangalaga sa kalikasan bilang bahagi ng mas ligtas at mas maunlad na pamayanan.

Patuloy na isinusulong ng Pangasinan 2nd PMFC ang mga programang nagpapalakas sa pakikipag-ugnayan sa publiko bilang bahagi ng kanilang layunin na makabuo ng mas ligtas, mas maunlad, at mas responsableng komunidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Pangasinan 2nd PMFC

Leave a Reply