Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng iba’t ibang yunit ng Philippine National Police (PNP) ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong rape noong Hulyo 4, 2026, bandang alas-2:05 ng hapon sa Barangay Guiset Sur, San Manuel, Pangasinan.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Nardo,”47 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Nagsaag, San Manuel, Pangasinan.
Pinangunahan ng San Manuel Municipal Police Station (MPS) ang operasyon sa pakikipagtulungan ng mga operatiba mula sa Provincial Intelligence Unit (PIU) Pangasinan PPO, Provincial Intelligence and Detective Management Unit (PIDMU) Pangasinan PPO, Regional Intelligence Unit 1 (RIU1), Regional Intelligence Division (RID) PRO1, 2nd Pangasinan Provincial Mobile Force Company (PMFC) Maneuver Company – Tayug Base, at 104th Regional Mobile Force Battalion (RMFB) Maneuver Company.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 49, Urdaneta City, Pangasinan, kaugnay ng kasong rape na may Criminal Case Nos. U-13095 hanggang U-13062, na may petsang Hulyo 27, 2004 na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa paghahanap at pagdakip sa mga taong may kinahaharap na mabibigat na kaso upang mapanagot ang mga ito sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: San Manuel MPS



