1st Quirino PMFC, nagsagawa ng community outreach sa Diffun, Quirino

0
333

Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang Company Advisory Group, ang isang Community Outreach Program sa Sitio Cupianan, Baguio Village, Diffun, Quirino noong Hulyo 3, 2026.

Pinangunahan ni Ms. Joan U. Javier, Chairperson ng Company Advisory Group, kasama ang mga tauhan ng 1st Quirino PMFC, ang nasabing aktibidad na naglalayong maghatid ng iba’t ibang serbisyong pangkomunidad sa mga residente ng lugar.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang tree planting, pamamahagi ng tsinelas, Book of Hope, at meryenda sa 38 mag-aaral. Nagsagawa rin ng pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid para sa 30 benepisyaryo, gayundin ang libreng tuli sa ilalim ng Project Batman (Be A Total MAN).

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na malasakit at pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa komunidad sa pamamagitan ng “1st QPMFC Really Cares Program” upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan, pagtutulungan, at paghahatid ng ‘Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman’ sa mamamayan.

Source: First Quirino PMFC QPPO

Leave a Reply