Php428K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa PNP Checkpoint sa Sarangani; babae, arestado

0
164

Nasabat ang nasa Php428,000 halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Barangay Maribulan, Alabel, Sarangani nito lamang Hunyo 2, 2026.

Ayon kay Police Colonel Jerone O Panganiban, Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Mobile Platoon, 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si alyas Jen, drayber, residente ng Barangay Poblacion, Alabel, Sarangani, na naaresto dahil walang kaukulang lisensiya sa pagmamaneho.

Nang nagsagawa ng follow-up inspection sa kanyang minamanehong kulay gray na Toyota Raize, tumambad sa pulisya ang mga karton ng Berlin na hinihinalang smuggled na sigarilyo na aabot sa Php428,011.32.

Kasong paglabag sa Modernization and Tariff Act at Graphic Health Warnings Law ang kakaharapin ng suspek.

Solido ang Sarangani PNP sa kampanya laban sa smuggling na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply