Php1.44M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Kalilangan, Bukidnon; driver, arestado

0
39

Nasabat ang nasa mahigit Php1,440,000 halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Malinao at Barangay Pamotolon, Kalilangan, Bukidnon nito lamang Lunes, Hunyo 29, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, narekober ang kahon-kahon ng hinihinalang smuggled na sigarilyo mula sa isang Mitsubishi Estrada na sangkot sa isang aksidente at nabatid na ang driver nito ay tumakas.

Samantala, pagkalipas ng ilang oras ay naharang ang isang Nissan Urban na may dalang kahon-kahon ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na walang nakalagay na graphic health warning signs at walang maipakitang kaukulang dokumento ang driver, kaya agad itong inaresto.

Ang tagumpay na ito ay kaakibat din ng mga adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, PNP.

Leave a Reply