Santiago PNP, nagsagawa ng awareness lecture para sa mga mag-aaral ng Children First School

0
92

Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 3 ng Santiago City Police Office ang isang Awareness Lecture para sa mga mag-aaral ng Children First School sa Brgy. Patul, Santiago City noong Hulyo 3, 2026.

Pinangunahan nina PCpl Kristel Erika Juan, WCPD PNCO, at Pat Jay-D. Valenzuela, PCR PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni Police Captain Jeffrey A. Viloria, Officer-in-Charge ng Police Station 3, ang nasabing aktibidad.

Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 12, kung saan tinalakay ang Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 at ang wastong paggamit ng cyberspace, kabilang ang pag-iwas sa cyberbullying, online scams, at iba pang banta sa internet. Layunin ng lecture na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang mga karapatan at responsibilidad, at hikayatin silang maging responsable, disiplinado, at mapanuri sa kanilang pakikisalamuha sa loob at labas ng paaralan.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng kapulisan at sektor ng edukasyon sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral, kung saan napangangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at kamalayan laban sa bullying at iba pang banta sa kanilang kaligtasan. Ito ay alinsunod sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Santiago Police Station 3

Leave a Reply