2nd Ifugao PMFC, naglunsad ng school visitation at safety lectures sa mga paaralan

0
886

Nagsagawa ang mga tauhan ng 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Myles S. Forayang, ng magkahiwalay na school visitation at safety lectures noong Hulyo 2, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Philippine National Police na matiyak ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro sa lalawigan ng Ifugao.

Sa Pinto Elementary School sa Alfonso Lista, nagsagawa ang mga pulis ng konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga guro upang talakayin ang mga usapin sa kapayapaan at kaayusan, gayundin ang mga hakbang sa pampublikong kaligtasan sa loob at paligid ng paaralan.

Samantala, sa Posnaan Elementary School sa Aguinaldo, nagbigay ang mga pulis ng police assistance at nagsagawa ng lecture hinggil sa anti-bullying. Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng paggalang, disiplina, at kabutihan, gayundin ang mga pangunahing kaalaman sa crime prevention at personal safety. Hinikayat din ang mga mag-aaral na maging mapagmatyag at agad na iulat ang anumang insidenteng maaaring magbanta sa kanilang kaligtasan.

Patuloy na isinusulong ng PNP ang mga programang nakatuon sa kaligtasan ng mga kabataan at pagpapalakas ng ugnayan sa sektor ng edukasyon bilang bahagi ng adbokasiya nito para sa isang mapayapa at ligtas na pamayanan, alinsunod sa mantra nitong “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 2nd Ifugao PMFC

Leave a Reply