Malolos PNP at City Government, nanguna sa pamimigay ng 120 Metal Detector para sa seguridad sa mga pampublikong paaralan

0
130

Nanguna sa pamimigay ng 120 metal detector ang Malolos City Government at Malolos City Police Station (CPS) para sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral nito lamang Hunyo 25, 2026 sa Malolos, Bulacan.

Ito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad at Police Lieutenant Colonel Rommel E Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, na may layunin na mas mapalakas ang seguridad sa loob ng mga paaralan, maiwasan ang posibleng pagpasok ng mga ipinagbabawal na kagamitan, at masiguro ang ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral at guro.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng magandang ugnayan ng kapulisan at lokal na pamahalaan sa pagtutulungan para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply