Ligtas na kapaligiran sa pag-aaral, isinusulong ng Olongapo CPO sa pamamagitan ng masusing police presence

0
144

Pinaigting ng Olongapo City Police Office (OCPO) Police Station 2, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Dennis L. Gruspe, Officer-In-Charge, ang police visibility sa mga paaralan sa kanilang nasasakupan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.

Layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang insidenteng maaaring makasagabal sa ligtas na kapaligiran para sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng regular na pagpapatrolya at pakikipag-ugnayan sa mga kawani ng paaralan at komunidad, higit na napapalakas ang pagpapatupad ng mga programang pangkaligtasan sa loob at paligid ng mga paaralan.

Patuloy na pinatutunayan ng Philippine National Police ang pangakong pangalagaan ang kapakanan ng kabataan at pagsusulong ng kultura ng kaligtasan sa mga educational institutions. Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na naglalayong maghatid ng maagap, epektibo, at makataong serbisyo para sa isang ligtas at maunlad na komunidad.

Source: Olongapo CPO, Police Station 2

Leave a Reply