Php442K halaga ng hinihinalang shabu at mga baril at bala, nasabat ng PDEA, AFP at PNP sa Sulu; 5 suspek, nasakote

0
147

Nasabat ang nasa Php442,000 halaga ng hinihinalang shabu, mga baril at bala sa ikinasang Law Enforcement Support Operation (LESO) ng mga awtoridad sa Barangay Tubig Putih, Luuk, Sulu nito lamang Hunyo 19, 2026.

Ayon kay Police Colonel Jeff B Uy, Provincial Director ng Sulu Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng 1102nd Infantry “Ganarul” Brigade, 101st Infantry “Sajahitra” Battalion, 21st Infantry “Invincible” Battalion, PDEA-Sulu, the 54th Special Action Company at 5th Special Action Battalion ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Luuk Municipal Police Station, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at PNP Criminal Investigation and Detection Group.

Kinilala ang mga nadakip na sina alyas“Osri,” alyas Ronny, alyas Oshin, alyas Munib, at alyas Adzmir.

Narekober sa naturang operasyon ang nasa 65 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php442,000, dalawang caliber .45 pistols na may magazines at 10 rounds ng live ammunition, communication equipment, digital weighing scales, cellular phones, at iba pang drug paraphernalia.

Patuloy namang pinaigting ng PDEA, AFP at PNP ang kampanya kontra ilegal na droga bilang bahagi ng pagsusulong ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply