Php374K shabu, nakumpiska ng PRO6; 2 arestado sa Bacolod City

0
115
Screenshot

Arestado ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang dalawang Street-Level Individuals matapos makuhanan ng nasa humigit-kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may estimated Standard Drug Price na Php374,000.00 sa isang buy-bust operation na isinagawa noong June 19, 2026 sa Purok Lampirong, Barangay 2, Bacolod City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rey,” 32 years old, at residente ng Prk. 6 Magsungay, Brgy. Singcang Airport, Bacolod City; at si alyas “Pal,” 23 years old, at residente naman ng Prk 1, Sisi, Magsungay, Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City.

Narekober mula sa kanila ang isang sachet ng hinihinalang shabu (buy-bust item); limang sachet ng parehong ilegal na droga (possession); isa pang knot-tied transparent plastic sachet ng shabu; at iba pang mga ebidensya.

Agad namang isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang nasabing mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165.

“Operations like this send a clear message that PRO NIR remains relentless in its campaign against illegal drugs. We will continue to pursue those involved in the drug trade and strengthen our partnership with the community to preserve peace, order, and public safety across the region,” pahayag pa ni  PBGen Romano Cardiño, Acting Regional Director ng PRO-NIR.

Sa ilalim ng programang SAFE NIR at alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” siniguro ng PRO-NIR na ipagpapatuloy pa nila ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang protektahan ang buong rehiyon sa masamang dulot nito, partikular na sa kaligtasan at kapayapaan, maging sa kinabukasan ng ating mga komunidad.

Leave a Reply