PRO7, nakapag-aresto ng 469 indibidwal sa tuloy-tuloy na Anti-Criminality Campaign

0
35
Screenshot

Nakapag-aresto ang Police Regional Office 7 (PRO7) ng nasa 469 na indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng Central Visayas simula June 7 hanggang June 13, 2026, bunsod ng mas pinaigting na kampanya ng himpilan kontra sa ilegal na droga, wanted person, illegal gambling, at loose firearms.

Kabilang sa mga naaresto ang nasa 172 drug personalities na nahulihan ng nasa kabuuang 382.30 grams ng hinihinalang shabu na may estimated Standard Drug Price (SDP) na Php2,599,640.00.

Sa kampanya kontra illegal gambling, nakapag-aresto ang PRO7 ng 139 indibidwal habang nakumpiska naman ang kabuuang Php24,832.00 na gambling proceeds.

Samantala, sa kampanya kontra mga wanted person, naaresto naman ng PRO7 ang nasa 134 wanted individuals kabilang ang 24 Most Wanted Persons at 110 Other Wanted Persons. Sa kampanya kontra loose firearms, aabot sa 24 indibidwal ang naaresto ng PRO7 habang nasa 67 baril naman ang narekober kasama ang 17 explosives at 97 rounds ng ammunition.

“These operational gains underscore PRO7’s unwavering commitment to combating all forms of criminality that threaten the peace and security of communities in Central Visayas. Our efforts complement the Department of the Interior and Local Government’s Safer Cities Initiative under Secretary Jonvic Remulla and embody the Chief PNP’s mantra of ‘Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman’—ensuring that police service remains prompt, honest, and truly responsive to the needs of the people. We will continue to intensify our operations and sustain strong police visibility across the region,” saad pa ni PBGen General Arnold E. Abad, Regional Director ng PRO7.

Tiniyak pa ni PBGen Abad na magpapatuloy ang nasabing mga pinaigting na operasyon upang mapanatili ang pagpapangalaga sa kapayapaan at kaayusan maging ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan sa buong Central Visayas.

Leave a Reply