Php3.4M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Pasay City; Lalaki, arestado

0
41

Nakumpiska ang nasa Php3,434,000 halaga ng hinihinalang shabu at tiklo ang isang lalaki matapos na kinuha ang dalawang parcel na nakapangalan sa kanya na naglalaman ng hinihinalang shabu sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City nito lamang Hunyo 16, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Dionisio Bartolome Jr., Director, PNP Aviation and Security Group, ang suspek na isang 28-anyos na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act No. 916 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na ang dalawang parcel na nakapangalan sa kanya na idineklara bilang “Children Memory Toy” at “Mystery Gift Pack,” ay naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 505 gramo na nagkakahalaga ng Php3,434,000.

Nadiskubre ang hinihinalang shabu nang isinailalim sa cargo screening procedures, kabilang ang X-ray examination ng Bureau of Customs (BOC) at K-9 inspection ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Our airports will never be used as gateways for illegal drugs. Through the vigilance and close coordination of our law enforcement agencies, we will continue to detect, intercept, and apprehend those who attempt to exploit our air transport system for criminal activities. saad ni PBGen Bartolome Jr.

Leave a Reply