Personal na dinaluhan ni PBGen Ronald Lee, Regional Director, Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang isinagawang provincial roll out ng Duterte Legacy BARANGAYanihan Caravan sa Bontoc, Mt Province noong Oktubre 15, 2021.
Kasama rin sa aktibidad ang mga lokal na opisyal ng Mountain Province sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng TESDA, DSWD, DTI, DOLE, DPWH, Philhealth, PSA, PNP, DOST, NCIP, Provincial Health Unit at iba pa.
Ang mga sumusunod ang mga serbisyong inilapit ng mga nasabing ahensiya sa mga mamamayan ng nasabing lalawigan.
•DOLE – Job Vacancies
•DOST – Application ng Scholarship
•DPWH – Bigay Trabaho para sa mga Local Contractors; Public Consultation
•DSWD – Assessment ng Educational Assistance
•DTI – Mobile Barangay Micro Business Enterprises Registration; Mobile BNR; Advocacies on Negosyo Center and Consumer Advocacy
•NCIP – Certificate of Confirmation; Application for Educational Assistance; Processing of Tax Declaration; FPIC; Mediation
•PSA – Application of PSA Documents and National ID
•PHILHEALTH – Membership Registration and Records
•TESDA – Enrollment for TESDA offered courses
•PNP – Processing of Police Clearance at Libreng Gupit.
#####
Article by Police Corporal Melody L Pineda