Project B.A.K.A.S., naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga mag-aaral sa Suyo, Ilocos Sur

0
28

Naghatid ng saya, inspirasyon, at suporta sa mga kabataang mag-aaral ang Suyo Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Project “Bayanihan Alay sa mga Kabataan para sa maginhawang Apak tungo sa Silid-aralan” (B.A.K.A.S.) sa Man-atong Elementary School, Suyo, Ilocos Sur, noong Hunyo 9, 2026.

Sa pangunguna ng mga tauhan ng Suyo MPS sa ilalim ng superbisyon ni PCpt Godofredo A. Ribuyaco, katuwang si Ma’am Leizel L. Wattan at kanyang pamilya, namahagi sila ng libreng tsinelas, food containers, at mga meryenda para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang adbokasiya ng pagtulong sa komunidad.

Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng anti-bullying lecture upang palakasin ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa kapwa, mabuting asal, at pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran sa paaralan.

Ipinakita ng Project B.A.K.A.S. na sa pamamagitan ng simpleng pagkakawanggawa, malasakit, at pakikipagkapwa-tao, maaaring makapaghatid ng pag-asa, inspirasyon, at positibong pagbabago sa buhay ng mga kabataan at ng buong komunidad.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Suyo MPS

Leave a Reply