Matagumpay na isinagawa ng Cebu City Police Office (CCPO) ang Sustainment Firing Proficiency Activity sa CCPO firing range noong Hunyo 8, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Arnel J Apud, Officer in Charge ng CCPO, kasama ang mga certified range officers at training personnel na nagsiguro ng mahigpit na pagsunod sa mga itinakdang safety standards at range protocols.
Nagbigay rin ang mga instructor ng coaching at gabay upang higit pang mapaunlad ang kanilang marksmanship skills bago nagtapos ang programa sa isang debriefing session.
Ipinakita ng aktibidad ang patuloy na pagsisikap ng CCPO na mapanatili ang isang disiplinado, mahusay, at mission-ready na puwersa ng pulisya para sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan ng Cebu City bilang bahagi ng hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



