PRO BAR, Nakiisa sa Paggunita ng ika-128 araw ng Kalayaan ng Pilipinas

0
87

Nakiisa ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” sa Camp General Salipada K. Pendatun noong Hunyo 12, 2026.

Pinangunahan ni PBGen Christopher Abecia, Regional Director ng PRO BAR, ang programa kasama ang iba pang matataas na opisyal at mga miyembro ng kapulisan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinagawa ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng kalayaan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino, kasabay ng pag-awit ng “Pilipinas Kong Mahal.”

Ang Araw ng Kalayaan ay taunang ginugunita tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala sa deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

Sa mensahe ng PRO BAR, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at patriotismo sa patuloy na pagtupad ng tungkulin para sa kapayapaan at kaayusan. Ipinahayag din ang patuloy na suporta ng kapulisan sa mga programa laban sa ilegal na droga, kriminalidad, katiwalian, kahirapan, at terorismo, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Ang pagdiriwang ay nagsilbing pagkakataon upang muling pagtibayin ng mga kawani ng PRO BAR ang kanilang paninindigan sa paglilingkod sa bayan at pagsusulong ng mga pagpapahalagang makabayan para sa ikauunlad ng bansa.

Leave a Reply