Santiago CPO, nakiisa sa “Dugong Buhay, Dugtong Buhay” bloodletting activity sa Victory Norte

0
111

Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Santiago City Police Office (SCPO) sa isinagawang bloodletting activity na may temang “Dugong Buhay, Dugtong Buhay” noong Hunyo 8, 2026 sa Barangay Hall, Victory Norte, Santiago City.

Pinangunahan ang partisipasyon ng SCPO sa ilalim ng pamumuno ni PCol Edith D. Narag, City Director, bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa ng kapulisan sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan, malasakit, at serbisyong pangkomunidad.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang boluntaryong pagdo-donate ng dugo upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng suplay ng dugo, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga makatao at makabuluhang gawain.

Patuloy na nakikibahagi ang SCPO sa iba’t ibang gawaing pangkomunidad na nagpapakita ng malasakit, pagkakaisa, at diwa ng boluntaryong paglilingkod, alinsunod sa adhikain ng Bagong PNP na maghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman ng mamamayan.

Source: Santiago CPOHQ

Leave a Reply