Php1.36M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa CDO; 3 indibidwal, arestado

0
324

Arestado ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakakumpiska ng nasa Php1.36 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Macabalan, Cagayan de Oro City nito lamang Hunyo 8, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “RJ,” 34-anyos, alyas “Ann,” 35-anyos, at alyas “JJ,” 44-anyos, pawang mga residente ng naturang siyudad.

Pinangunahan ng RPDEU-10 ang operasyon katuwang ang PDEA Regional Special Enforcement Team 10, City Intelligence Unit, Cagayan de Oro City Police Station 5, PNP DEG SOU 10, 1001st Maneuver Company ng RMFB 10, at Regional Intelligence Unit 10.

Nakumpiska ang humigit-kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na umaabot sa Php1.36 milyon, at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

Pinuri naman ni RD Abrahano ang mga operatibang nagsagawa ng operasyon at tiniyak ang pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa Northern Mindanao na naaayon sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply