Regional Most Wanted sa kasong statutory rape, arestado sa Bayawan, Negros Occidental

0
561

Matagumpay na naaresto ng Bayawan City Police Station (CPS) ang isang Regional Most Wanted Person sa isinagawang Oplan Tracker noong Hunyo 5, 2026 sa Barangay Ubos, Bayawan City, Negros Oriental.

Kinilala ang nadakip na suspek sa alyas na “Al,” 37 taong gulang, binata, at residente ng Sitio Nato, Barangay Ali-is, Bayawan City. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory rape.

Sa pamamagitan ng masusing intelligence monitoring, koordinasyon ng mga operatiba, at dedikadong law enforcement efforts, matagumpay na natunton at naaresto ang akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bayawan CPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasailalim sa tamang proseso ng batas.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng walang humpay na pagsisikap ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) at Bayawan CPS sa pagpapatupad ng batas at pagtugis sa mga indibidwal na may kinahaharap na pananagutan sa batas.

Higit pa sa pagdakip sa mga wanted person, ang layunin ng mga operasyong tulad ng Oplan Tracker na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad, maprotektahan ang mga mamamayan laban sa kriminalidad,

Sa bawat matagumpay na operasyon, ipinakikita ng kapulisan ang kanilang propesyonalismo, integridad, at dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanan.

Sa ilalim ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” nananatiling matatag ang PRO-NIR sa paghahatid ng serbisyong may malasakit, mabilis na aksyon, at tapat na pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan at kapanatagan ng bawat mamamayan.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Source: PRO NIR

Leave a Reply