Php170K halaga ng hinihinalang shabu at ilegal na baril nasamsam sa Davao City

0
88

Nasamsam sa ikinasang joint anti-illegal drug operation ng mga kapulisan ng Davao City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Peter B Madria, City Director, ang tinatayang Php170,000 halaga ng hinihinalang shabu, at pagkarekober ng isang baril sa Brgy. Panacan, Davao City, nito lamang Hunyo 2, 2026.

Kinilala ang suspek na si alias “Dodong,” 17 taong gulang, na nakuhanan ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php170,000, isang baril, at iba pang mga ebidensiyang pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na kalakalan ng droga at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591.

 Muling nanawagan ang Davao City PNP sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain sa kanilang komunidad, bilang bahagi ng sama-samang layunin na makamit ang isang mas ligtas, mapayapa, at drug-free na Davao City na layunin ng organisasyon sa ilalim ng mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply