Matagumpay na isinagawa ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), sa pamamagitan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (RPSB) Team, ang programang “Wellness Caravan Ti Umili” sa Brgy. Dagupan, Quezon, Nueva Vizcaya noong Hunyo 3, 2026.
Pinangunahan ni PCpt Charly B. Dawi, R-PSB Team Leader, ang nasabing aktibidad, katuwang ang mga opisyal ng barangay, Barangay Health Workers, Quezon Rural Health Unit, at Provincial Integrated Health Office sa pamumuno ni Dr. Anthony Cortez, upang maihatid ang iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan at pangkomunidad sa mga residente ng barangay.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical consultation, dental services, chest X-ray, blood chemistry, dental fluoride application, physical therapy, at libreng gupit para sa mga residente. Sa kabuuan, umabot sa 190 indibidwal ang nakinabang sa mga serbisyong inilapit sa komunidad sa ilalim ng programa.
Layunin ng programa na mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Patuloy ang NVPPO sa pakikiisa at pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng serbisyong makatao at malasakit sa komunidad, habang pinatitibay ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.
Source: PNP Nueva Vizcaya Police Provincial Office
Panulat ni Pat Leinee C Lorenzo



