Barangay Official na isang drug personality, huli ng Kaogma Cops sa Presentacion, Camarines Sur

0
153

Isang incumbent Punong Barangay na tinaguriang isang High Value Individual (HVI) ang naaresto ng Kaogma Cops sa isinagawang anti-illegal drug operation bandang alas-5:00 ng madaling-araw nitong Hunyo 2, 2026 sa Zone 6, Barangay Buenavista, Presentacion, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Popong,” 48 taong gulang, kasalukuyang Punong Barangay ng Brgy. Buenavista, Presentacion, Camarines Sur.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PPDEU/PIU ng Camarines Sur Police Provincial Office, katuwang ang 2nd PMFC, Presentacion Municipal Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V, sa bisa ng isang search warrant.

Sa isinagawang search and seizure operation sa bahay ng suspek, nadiskubre at nakumpiska ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 10.66 gramo at tinatayang halagang Php72,488.00 ayon sa Standard Drug Price.

Isinagawa ang tamang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa harap ng suspek at mga witness na sina Brgy. Kagawad Rogelio Bonilla at Mr. Angelos Abugao, News Director ng Radio Agila Naga. Gumamit din ng Body-Worn Cameras (BWC) ang mga operatiba upang matiyak ang transparency ng operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Presentacion Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri ni PCol Virgilio O. Olalia Jr., Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon at muling binigyang-diin ang patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga.

Ayon sa kanya, “Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, alinsunod sa Focused Agenda ni Chief PNP, PGEN Melencio R. Nartatez Jr., partikular sa Enhanced Managing Police Operations. Patuloy nating isinusulong ang adhikain ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman upang mapanatiling ligtas at payapa ang ating mga komunidad.”

Leave a Reply