Legazpi CPS, muling nagkaloob ng suporta sa benepisyaryo ng Project T.A.N.G.L.A.W.

0
262

Sa nalalapit na pagbubukas ng klase, muling naghatid ng saya, pag-asa, at inspirasyon ang Legazpi City Police Station (CPS) sa pamumuno ni PLtCol Arthur C Tagtag Jr., Acting Chief of Police, sa pamamagitan ng pagbibigay ng balik-eskwela assistance sa dalawang batang benepisyaryo ng PROJECT T.A.N.G.L.A.W na patuloy na sinusuportahan ng himpilan mula pa noong taong 2022.

Nito lamang Hunyo 2, 2026, pinagkalooban sina Alyanna at Jazmin, kapwa residente ng Legazpi City at mga mag-aaral na papasok sa Grade 5 sa darating na pasukan ng mga kinakailangang gamit na pang-eskwela.

Sa pangunguna ng mga personnel ng Police Community Affairs and Development (PCAD) Section, kasama ang kanilang mga magulang, personal na namili ang dalawang bata ng kanilang mga uniporme, sapatos, bag, payong, at iba pang mahahalagang kagamitan bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Nagbigay rin ng mensahe ng inspirasyon si PLtCol Tagtag, na hinikayat ang mga bata na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, magsikap para makapagtapos ng kanilang pag-aaral at patuloy na mangarap upang makamit ang mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan.

Bilang bahagi sa malawakang hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” ang Project T.A.N.G.L.A.W. (T-abang sa A-king N-angangailangan, G-inhawa asin L-iwanag A-ng maitatatao para W-akasan an pagtios, giya sa pag-asenso) ay naglalayong magbigay ng suporta at gabay sa mga batang nagmumula sa mga pamilyang nangangailangan upang matiyak ang kanilang patuloy na pag-aaral at mabigyan sila ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap.

Leave a Reply