Abra 1st PMFC, tumulong sa pag-ani ng palay ng matandang magsasaka sa Malibcong

0
87

Nagpakita ng malasakit ang mga 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Abra Provincial Police Office matapos silang tumulong sa pag-ani ng palay ng isang matandang magsasaka sa Barangay Duldulao, Malibcong, Abra noong Mayo 30, 2026.

Pinangunahan ni Patrolman Kinneth Roy Babo ng Revitalized-Pulis sa Barangay Team ng 1st PMFC, sa ilalim ng liderato ni PMaj Nelvin Garduque, Acting Force Commander, katuwang ang mga pulis ng Malibcong Municipal Police Station, ang pagtulong sa paggapas ng palay bilang bahagi ng kanilang community engagement activities.

Layunin ng programa na hindi lamang magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangang residente kundi higit ding mapalalim ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga gawaing may direktang pakinabang sa mamamayan.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang magsasaka sa mga pulis na boluntaryong naglaan ng oras at lakas upang makatulong sa pag-aani ng kanyang pananim.

Patuloy na isinusulong ng Pambansang Pulisya ang mga programang nagpapalakas sa tiwala at kooperasyon ng publiko, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP Para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 1st Abra Provincial Mobile Force Company

Leave a Reply