Php250K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng PRO 10; 3 indibidwal, arestado

0
208

Arestado ang tatlong indibidwal matapos makumpiska ng mga awtoridad ang mahigit Php250,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon sa Brgy. Mahayahay, Iligan City, Lanao del Norte at Brgy. Lower Rizal, Oroquieta City, Misamis Occidental.

Kinilala ni Police General Christopher N Abrahano, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Asser,” 19 anyos, tindero na nakuhanan ng lima at kalahating box ng Cannon-brand na nagkakahalaga ng Php100,000.

Samantala, nadakip naman ang dalawang indibidwal habang diniskarga mula sa bao-bao ang nasa apat na box na naglalaman ng 91 reams ng Cannon Menthol cigarettes, dalawang box na naglalaman ng 50 reams ng YS Brand Menthol cigarettes, dalawang box na naglalaman ng 47 reams ng Rasean Gold Brand Menthol cigarettes na may kabuuang 188 reams ng Php150,400.

“Ito ay patunay na nananatiling matatag ang ating kapulisan at patuloy na pinaiigting ang kampanya laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa Rehiyon,” saad ni RD Abrahano.

Source RPIO PRO10

Leave a Reply