RMFB1, agad rumesponde sa aksidente sa Cervantes, Ilocos Sur

0
135

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng 102nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Oliver L. Gaspar, sa isang self-vehicular incident na naganap noong Mayo 30, 2026, sa Sitio Tay-ac, Brgy. Comillas North, Cervantes, Ilocos Sur.

Matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa insidente, mabilis na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng RMFB1 upang magbigay ng kinakailangang tulong at tiyakin ang kaligtasan ng mga sangkot. Nakipag-ugnayan din sila sa iba pang responding units mula sa Cervantes Municipal Police Station (MPS) at Cervantes Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapabilis ang rescue at assistance operations.

Sa tulong ng maayos na koordinasyon ng mga awtoridad, agad na nabigyan ng paunang lunas ang pasyente at ligtas na naihatid sa Bessang Pass District Hospital para sa agarang medikal na atensyon at karagdagang pagsusuri.

Pinuri naman ng mga residente ang mabilis na pagtugon ng mga responder na nagpakita ng kahandaan at dedikasyon sa pagprotekta sa buhay at kapakanan ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa pagmamaneho at tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: RMFB 1

Leave a Reply