South Cotabato PNP, nakiisa sa Community Outreach Program sa Tboli, South Cotabato

0
149

Nakiisa sa Community Outreach Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato ang mga bumubuo ng South Cotabato Police Provincial Office sa patuloy na pagsusulong ng serbisyo publiko sa mga malalayong komunidad sa Sitio Blangas, Barangay Kematu, Tboli, South Cotabato noong Mayo 29, 2026.

Pinangunahan ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo S. Tamayo Jr., katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders upang maihatid ang mahahalagang serbisyo sa mga residente.

Dumalo sa aktibidad si Police Colonel Samuel T. Cadungon, Provincial Director ng South Cotabato PPO, kasama si Police Lieutenant Colonel Roel Vergel Gulmatico Parreño, Force Commander ng 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company, at si Ms. Sonia L. Bautista, RSW, bilang bahagi ng suporta ng mga ahensya sa paghahatid ng mga serbisyong kinakailangan ng komunidad.

Nakinabang ang mga residente sa iba’t ibang libreng serbisyo kabilang ang pamamahagi ng hygiene kits, mga gamot, assorted food packs, serbisyong dental, libreng tuli, at libreng gupit.

Layunin ng mga serbisyong ito na mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na sa mga komunidad na may limitadong akses sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

Ipinakita rin ng programa ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at sektor upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa liblib na lugar. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naihatid hindi lamang ang tulong at serbisyo kundi maging ang pag-asa at malasakit ng pamahalaan sa bawat pamilyang nangangailangan na naaayon sa mantra na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply