Php27.4M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng PNP at PCG sa Sultan Kudarat

0
512

Nasabat ang nasa Php27.4 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang joint operation ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa Purok Silangan, Barangay Katungal, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang May 28, 2026.

Nabatid na dahil sa intelligence information, nadiskubre ang mga master cases ng sigarilyo na itinago sa loob ng isang bodega.

Narekober sa naturang operasyon ang nasa 640 master cases ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na may tinatayang halaga na aabot sa Php27,382,400.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon upang masugpo ang smuggling sa bansa na nakaangkla sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”