Nakiisa ang kapulisan sa isinagawang Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan, na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at partner stakeholders noong Mayo 19, 2026 sa Galibtuja Elementary School Gymnasium.
Nagbahagi ng Anti-Criminality lecture si Pat Melody C Lorenzo, personnel ng Alfonso Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Ricarte S. Oliveros, Chief of Police, sa mga residenteng dumalo sa aktibidad. Tinalakay niya ang makabagong estratehiya sa crime prevention at ang aktibong papel ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Binigyang-diin ni Pat Lorenzo na ang seguridad ay hindi lamang tungkulin ng mga awtoridad kundi isang kolektibong responsibilidad ng bawat isa. Hinikayat din ang mga dumalo na maging mapagmatyag, disiplinado, at responsable upang makatulong sa pagpigil sa kriminalidad at mapanatili ang kaayusan sa kanilang lugar.
Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng Pambansang Pulisya ang diwa ng pagkakaisa at responsableng pakikipagtulungan ng kapulisan at mamamayan tungo sa isang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Alfonso Castañeda PS



