Php28.5 milyong halaga ng shabu, nasamsam sa Buy-Bust Operation sa Bacolod City

0
443

Muling pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) ang matatag nitong kampanya laban sa ilegal na droga matapos masamsam ang tinatayang Php28.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 31, Bacolod City nito lamang ika-19 ng Mayo 2026.

Ang operasyon ay ikinasa ng Bacolod City Police Office–City Drug Enforcement Unit (BCPO-CDEU) sa pangunguna ni PLtCol Albert Sy, OIC, CDEU, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High Value Individual (HVI) na kinilalang si alyas “Bongi.”

Narekober mula sa posesyon ng suspek ang humigit-kumulang 4,200 gramo ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item at iba pang ebidensiyang may kaugnayan sa ilegal na aktibidad.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Romano V. Cardiño, Regional Director ng PRO-NIR ang lahat ng mga operating units dahil sa kanilang dedikasyon, koordinasyon, at matagumpay na pagsasagawa ng operasyon.

Aniya, mananatiling agresibo at walang humpay ang kapulisan sa pagsugpo sa ilegal na droga bilang bahagi ng kanilang mandato na protektahan ang sambayanan at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Binigyang-diin din ng PNP ang kanilang hangarin alinsunod sa kasalukuyang mantra ng himpilan na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Sa patuloy na anti-drug operations ng Police Regional Office Negros Island Region, muling pinatutunayan ng kapulisan ang kanilang buong pusong paglilingkod upang makamit ang mas ligtas, mas mapayapa, at drug-free na komunidad para sa lahat ng mga Pilipino.

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply