Makati City — Tinatayang Php221,800 halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska sa anim na drug suspek sa buy-bust ng Makati City PNP nito lamang Martes, Abril 19, 2022.
Kinilala ni Southern Police District Director, PBGen Jimili Macaraeg ang anim na suspek na sina Mark Christian Igno y Araojo alyas “Idol”, 24 at Kerwin Paul Vitor y Lopez alyas “Paul”, 27, parehong residente ng Pasay City, habang sina Steven Seguibience y Aquino alyas “Steve”, 23; Joshua Padel y Parane alyas “Joshua”, 23; Eusebio IV Concepcion y Salviejo alyas “EJ”, 21; at Ariel Reyes y Palo alyas “Aye”, 54, mga pawang mga residente ng Makati City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 7:31 ng gabi nahuli ang mga suspek sa Room No. 5 Rosita Bldg. 4104 Gen. Mascardo St., Barangay Bangkal, Makati City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police Station.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, pagkatapos makabili ang police poseur buyer ng hinihinalang droga sa kanila na nagkakahalaga ng Php8,000, agad na nagtungo ang mga otoridad upang sila’y hulihin.
Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 32 gramo at may Standard Drug Price na Php217,600; pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaan namang marijuana na humigit-kumulang 35 gramo at nagkakahalaga na Php4,200; isang genuine na Php500 na ginamit bilang buy-bust money; at labinlimang piraso ng Php500 bilang boodle money.
Mahaharap ang anim na suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Bilang show window ng PNP, ang SPD bilang bahagi ng NCRPO, ay hindi titigil sa pag-ambag sa tagumpay ng kampanya laban sa ilegal na droga. Patuloy tayong magbabantay at manghuhuli ng mga ilegal na aktibidad dito sa ating nasasakupan upang mapanatili ang kapayapaan. Dahil hindi lang ito tagumpay ng PNP, kundi maging ang mga mamamayan na ating binabantayan,” ani PBGen Macaraeg.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos