Nagpakita ng malasakit at tunay na diwa ng paglilingkod sa komunidad ang mga tauhan ng RMFB1, 102nd Maneuver Company matapos magsagawa ng humanitarian assistance activity sa Brgy. Dinwede East, Cervantes noong Mayo 19, 2026.
Pinangunahan ni PLt Brent L Madjaco II, Deputy Company Commander (DCC), sa ilalim ng superbisyon ni PCpt Oliver L Gaspar, Assistant Company Commander (ACC), ang pamamahagi ng food packs at iba pang pangunahing pangangailangan kay Ginang Jane T. Cayabas, na kasalukuyang lumalaban sa Stage IV Invasive Carcinoma na may metastasis sa kanyang mga buto at baga.
Sa pamamagitan ng simpleng pagtulong at pakikiisa, ipinakita ng mga kapulisan na ang serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas kundi maging sa kakayahang magbigay ng pag-aaruga, pagdamay, at malasakit sa mga taong dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay.
Patuloy namang pinagtitibay ng RMFB1 ang kanilang ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng makatao at taos-pusong paglilingkod na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mamamayan.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source:102nd RMFB1



