2 buwang sanggol, nailigtas sa agarang tulong ng Iligan City PNP

0
205

Nailigtas ang isang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa maagap na pagresponde ng isang Iligan Cop sa Barangay Suarez, Iligan City, Lanao del Norte noong Mayo 13, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Mario M. Baquiran Jr., Officer-In-Charge, Iligan City Police Office, ang pulis na si Patrolman James Michael Teves na naka-assign sa Iligan City Police Station 2.

Ayon sa ulat, 12:58 ng madaling-araw habang naka-duty ang pulis sa kanilang police post sa Barangay Hall ng Suarez, biglang huminto ang isang motorsiklo at humingi ng tulong ang ama ng sanggol, bitbit ang anak na hirap na huminga at halos hindi na gumagalaw matapos umanong mabulunan.

Dahil sa kaalaman sa medical response training, agad na sinuri ni Patrolman Teves ang kalagayan ng sanggol at kahit aminadong kinabahan dahil dalawang buwan pa lamang ito, mabilis nitong isinagawa ang first aid procedures, kabilang ang back blows upang maalis ang bara sa airway ng bata.

Makalipas ang ilang segundo, muling umiyak at nakahinga ang sanggol, senyales na matagumpay ang ginawang pagresponde ng pulis.

Habang hinihintay ang ambulansya, inilagay muna ng pulis ang sanggol sa recovery position upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

Dahil sa mabilis na pag-iisip at dedikasyon sa pagliligtas ng buhay, nakarekober ang sanggol at naagapan ang posibleng trahedya. Dinala ng Barangay Suarez Medical Response Team at Rescuers ang sanggol sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, umani ng papuri sa publiko ang maagap na pagresponde ni Patrolwoman Teves, na nagligtas sa buhay ng sanggol na naaayon sa adhikain ng Bagong PNP na Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply